Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zukhruf Ayahs #47 Translated in Filipino

فَاسْتَمْسِكْ بِالَّذِي أُوحِيَ إِلَيْكَ ۖ إِنَّكَ عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ
Kaya’t ikaw ay manangan (o Muhammad) nang taimtim sa kapahayagan na Aming ipinadala sa iyo. Katotohanang ikaw ay nasa isang Tuwid na Landas
وَإِنَّهُ لَذِكْرٌ لَكَ وَلِقَوْمِكَ ۖ وَسَوْفَ تُسْأَلُونَ
At katotohanan, (ang Qur’an) ay katiyakang Paala-ala sa iyo (O Muhammad) at sa iyong pamayanan (mga Quraish at iyong mga tagasunod); at hindi magtatagal, kayong lahat ay itatambad upang magsulit
وَاسْأَلْ مَنْ أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رُسُلِنَا أَجَعَلْنَا مِنْ دُونِ الرَّحْمَٰنِ آلِهَةً يُعْبَدُونَ
At iyong tanungin (o Muhammad) ang Aming mga Tagapagbalita na Aming isinugo nang una pa sa iyo: “Kami (Allah) baga ay nagtalaga ng anumang mga diyos tangi pa sa Pinakamapagbigay (Allah) upang sambahin?”
وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا مُوسَىٰ بِآيَاتِنَا إِلَىٰ فِرْعَوْنَ وَمَلَئِهِ فَقَالَ إِنِّي رَسُولُ رَبِّ الْعَالَمِينَ
At katotohanang isinugo Namin si Moises na taglay ang Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) kay Paraon at sa kanyang mga pinuno (na nag-aanyaya sa Islam, ang relihiyon ni Allah). Siya (Moises) ay nagsabi: “Katotohanang ako ay Tagapagbalita ng Panginoon ng lahat ng mga nilalang.”
فَلَمَّا جَاءَهُمْ بِآيَاتِنَا إِذَا هُمْ مِنْهَا يَضْحَكُونَ
Datapuwa’t nang sila (Moises at Aaron) ay pumaroon sa kanila na taglay ang Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.), pagmalasin, sila ay nagtawa sa kanila

Choose other languages: