Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tur Ayahs #39 Translated in Filipino

أَمْ خُلِقُوا مِنْ غَيْرِ شَيْءٍ أَمْ هُمُ الْخَالِقُونَ
Sila baga’y nilikha mula sa wala? O sila baga sa kanilang sarili ang manlilikha
أَمْ خَلَقُوا السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ ۚ بَلْ لَا يُوقِنُونَ
o sila baga ang lumikha ng kalangitan at kalupaan? Hindi, sila ay walang matatag na pananalig
أَمْ عِنْدَهُمْ خَزَائِنُ رَبِّكَ أَمْ هُمُ الْمُصَيْطِرُونَ
O nasa kanila ba ang mga Kayamanan ng iyong Panginoon? o sila ba ang mga pinunong mapaniil na may kapamahalaan na gawin ang kanilang naisin
أَمْ لَهُمْ سُلَّمٌ يَسْتَمِعُونَ فِيهِ ۖ فَلْيَأْتِ مُسْتَمِعُهُمْ بِسُلْطَانٍ مُبِينٍ
o mayroon ba silang hagdanan na sa pamamagitan nito (ay makakapanhik sila sa kalangitan) upang mapakinggan (ang pag-uusap ng mga anghel)? Kung gayon, hayaaan ang kanilang tagapakinig ay magpakita ng lantad na katibayan
أَمْ لَهُ الْبَنَاتُ وَلَكُمُ الْبَنُونَ
o Siya (Allah) ba ay mayroon lamang mga anak (na babae), at kayo ay mayroon mga anak (na lalaki)

Choose other languages: