Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tur Ayahs #33 Translated in Filipino

فَذَكِّرْ فَمَا أَنْتَ بِنِعْمَتِ رَبِّكَ بِكَاهِنٍ وَلَا مَجْنُونٍ
Kaya’tpagtagubilinanatpangaralanmo(OMuhammad ang sangkatauhan tungkol sa Islam at Kaisahan ni Allah). Sa pamamagitan ng Biyaya ni Allah, ikaw ay hindi isang manghuhula, o isang inaalihan (ng demonyo)
أَمْ يَقُولُونَ شَاعِرٌ نَتَرَبَّصُ بِهِ رَيْبَ الْمَنُونِ
o sila baga ay nagsasabi : “(Si Muhammad) ay isang makata! Kami ay naghihintay para sa kaniya ng mga kapinsalaan (sa tangkay) ng panahon!”
قُلْ تَرَبَّصُوا فَإِنِّي مَعَكُمْ مِنَ الْمُتَرَبِّصِينَ
Ipagbadya mo (o Muhammad) sa kanila: “Magsipaghintay kayo! Ako rin ay naghihintay na kasabay ninyo!”
أَمْ تَأْمُرُهُمْ أَحْلَامُهُمْ بِهَٰذَا ۚ أَمْ هُمْ قَوْمٌ طَاغُونَ
Ang kanila bagang isipan ay nag-uutos ng ganito (alalaong baga, na sila ay magsabi ng kasinungalingan laban sa iyo [O Muhammad]), o sila baga ay mga tao na lumagpas sa lahat ng hangganan (alalaong baga, mula sa pananalig kay Allah tungo sa kawalan ng pananalig)
أَمْ يَقُولُونَ تَقَوَّلَهُ ۚ بَلْ لَا يُؤْمِنُونَ
o sila baga ay nagsasabi: “Siya (Muhammad) ay nanghuwad nito (ang Qur’an).” Hindi! Sila ay hindi nananalig

Choose other languages: