Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tur Ayahs #16 Translated in Filipino

الَّذِينَ هُمْ فِي خَوْضٍ يَلْعَبُونَ
Na naglalaro ng kasinungalingan (ganap na abala sa kawalan ng pananalig at paggawa ng kasamaan sa mundong ito na siyang mga pagsubok sa sangkatauhan at nagwawalang bahala sa walang hanggang kasasapitan [alalaong baga, kaparusahan sa Apoy ng Impiyerno)
يَوْمَ يُدَعُّونَ إِلَىٰ نَارِ جَهَنَّمَ دَعًّا
Sa Araw na sila ay ihahagis sa kailaliman ng Apoy na hindi masasawata
هَٰذِهِ النَّارُ الَّتِي كُنْتُمْ بِهَا تُكَذِّبُونَ
(At sa kanila ay ipagbabadya): “ Ito ang Apoy na inyong itinatwa!”
أَفَسِحْرٌ هَٰذَا أَمْ أَنْتُمْ لَا تُبْصِرُونَ
“Ito baga ay isang salamangka, o kayo ay hindi nakakakita? “
اصْلَوْهَا فَاصْبِرُوا أَوْ لَا تَصْبِرُوا سَوَاءٌ عَلَيْكُمْ ۖ إِنَّمَا تُجْزَوْنَ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
“Inyong lasapin dito ang init, at kahit na kayo ay matiisin sa ganito o hindi matiisin sa ganito, itong lahat ay magkakatulad. Kayo ay tumanggap lamang ng kabayaran sa inyong mga gawa.”

Choose other languages: