Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Ayahs #32 Translated in Filipino

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّمَا الْمُشْرِكُونَ نَجَسٌ فَلَا يَقْرَبُوا الْمَسْجِدَ الْحَرَامَ بَعْدَ عَامِهِمْ هَٰذَا ۚ وَإِنْ خِفْتُمْ عَيْلَةً فَسَوْفَ يُغْنِيكُمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ إِنْ شَاءَ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ حَكِيمٌ
O kayong nagsisisampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad)! Katotohanan, ang Mushrikun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, at sa Pahayag ni Muhammad) ay Najasun (hindi dalisay)! Kaya’t huwag silang hayaan na makalapit sa Al-Masjid-Al-Haram (Tahanan ni Allah sa Makkah), matapos ang taong ito, at kung kayo ay nangangamba sa kahirapan, si Allah ang magbibigay yaman sa inyo kung Kanyang naisin, mula sa Kanyang Kasaganaan. Katotohanang si Allah ay Ganap na Maalam, ang Tigib ng Karunungan
قَاتِلُوا الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَلَا بِالْيَوْمِ الْآخِرِ وَلَا يُحَرِّمُونَ مَا حَرَّمَ اللَّهُ وَرَسُولُهُ وَلَا يَدِينُونَ دِينَ الْحَقِّ مِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ حَتَّىٰ يُعْطُوا الْجِزْيَةَ عَنْ يَدٍ وَهُمْ صَاغِرُونَ
Makipaglaban kayo sa kanila na hindi (1) sumasampalataya kay Allah, (2) at gayundin sa Huling Araw, (3) at sa mga hindi nagbabawal sa bagay na ipinagbabawal ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita, (4) at sila na hindi tumatanggap sa pananampalataya ng katotohanan (alalaong baga, ang Islam), mula sa lipon ng mga tao ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano), hanggang sila ay magbayad ng Jizya (isang buwis na itinatalaga sa mga tao ng Kasulatan [mga Hudyo at Kristiyano], atbp., na nasa ilalim ng pangangalaga ng pamahalaang Muslim), ng may pagsang- ayon at nakadarama sa kanilang sarili ng pagkasupil
وَقَالَتِ الْيَهُودُ عُزَيْرٌ ابْنُ اللَّهِ وَقَالَتِ النَّصَارَى الْمَسِيحُ ابْنُ اللَّهِ ۖ ذَٰلِكَ قَوْلُهُمْ بِأَفْوَاهِهِمْ ۖ يُضَاهِئُونَ قَوْلَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ قَبْلُ ۚ قَاتَلَهُمُ اللَّهُ ۚ أَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ
At ang mga Hudyo ay nagsasabi: “Si Ezra ay anak ni Allah, at ang mga Kristiyano ay nagsasabi: Ang Mesiyas ay anak ni Allah.” Ito ang ibinabadya ng kanilang bibig. Sila ay nagsisigaya sa mga sinasabi ng mga hindi nananampalataya noong panahong sinauna. Ang sumpa ni Allah ay sasakanila, paano silang napaligaw nang malayo sa Katotohanan
اتَّخَذُوا أَحْبَارَهُمْ وَرُهْبَانَهُمْ أَرْبَابًا مِنْ دُونِ اللَّهِ وَالْمَسِيحَ ابْنَ مَرْيَمَ وَمَا أُمِرُوا إِلَّا لِيَعْبُدُوا إِلَٰهًا وَاحِدًا ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۚ سُبْحَانَهُ عَمَّا يُشْرِكُونَ
Sila (ang mga Hudyo at Kristiyano) ay tumangkilik sa kanilang mga rabbi (maalam na tao sa relihiyon) at kanilang mga monako (pari) bilang kanilang panginoon maliban pa kay Allah (sa pamamagitan ng pagsunod sa kanila sa mga bagay na ginawa nilang matuwid o hindi matuwid, ayon sa kanilang pagnanasa na hindi ipinag-utos ni Allah), at sila rin (ay nagtaguri bilang kanilang Panginoon) ang Mesiyas, ang anak ni Maria, samantalang sila (mga Hudyo at Kristiyano) ay pinag-utusan (sa Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) na tanging sumamba lamang sa Nag-iisang Diyos (Allah), La ilaha illa Huwa [Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulanngpagsambamalibansa Kanya]).Angkapurihan at kaluwalhatian ay sa Kanya, (higit Siyang dakila) sa lahat ng mga katambal na itinataguri (sa pagsamba sa Kanya)
يُرِيدُونَ أَنْ يُطْفِئُوا نُورَ اللَّهِ بِأَفْوَاهِهِمْ وَيَأْبَى اللَّهُ إِلَّا أَنْ يُتِمَّ نُورَهُ وَلَوْ كَرِهَ الْكَافِرُونَ
Sila (ang mga hindi sumasampalataya, ang mga Hudyo at Kristiyano) ay nagnanais na palisin ang Liwanag ni Allah (na siyang dahilan ng pagkasugo kay Muhammad, ang paniniwala sa Kaisahan ni Allah), sa pamamagitan ng kanilang bibig, datapuwa’t si Allah ay hindi magpapahintulot nito, malibang ang Kanyang Liwanag ay maging ganap, kahit na ang Kafirun (mga hindi sumasampalataya) ay mamuhi (rito)

Choose other languages: