Quran Apps in many lanuages:

Surah Ash-Shura Ayahs #13 Translated in Filipino

أَمِ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ أَوْلِيَاءَ ۖ فَاللَّهُ هُوَ الْوَلِيُّ وَهُوَ يُحْيِي الْمَوْتَىٰ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Ano! Nagturing ba sila (sa pagsamba) ng iba pang Auliya (tagapangalaga, tagapagtaguyod, kawaksi, atbp.) maliban pa sa Kanya? Datapuwa’t si Allah, Siya lamang ang Wali (Tagapangalaga, atbp.). At Siya ang naggagawad ng buhay sa patay at Siya ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay
وَمَا اخْتَلَفْتُمْ فِيهِ مِنْ شَيْءٍ فَحُكْمُهُ إِلَى اللَّهِ ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ رَبِّي عَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ وَإِلَيْهِ أُنِيبُ
At sa anumang bagay na hindi ninyo pinagkakasunduan, ang pasya rito ay na kay Allah (Siya ang Namamayaning Hukom). Siya si Allah, ang aking Panginoon; sa Kanya ako ay nagtitiwala, at sa Kanya ako bumabaling sa lahat ng mga pangyayari sa akin at sa pagtitika
فَاطِرُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ جَعَلَ لَكُمْ مِنْ أَنْفُسِكُمْ أَزْوَاجًا وَمِنَ الْأَنْعَامِ أَزْوَاجًا ۖ يَذْرَؤُكُمْ فِيهِ ۚ لَيْسَ كَمِثْلِهِ شَيْءٌ ۖ وَهُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرُ
(Siya) ang Tagapaglikha ng kalangitan at kalupaan. Ginawa Niya para sa inyo ang katambal (kabiyak, kapareha) mula sa inyong sarili at gayundin ang katambal sa hayupan. Sa ganitong paraan ay Kanyang nilikha kayo (sa sinapupunan, alalaong baga, kayo ay pinarami Niya). walang anupamang bagay ang makakatulad sa Kanya, at Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakamasid
لَهُ مَقَالِيدُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ يَبْسُطُ الرِّزْقَ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَقْدِرُ ۚ إِنَّهُ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
Sa Kanya ang pag-aangkin ng mga susi ng kalangitan at kalupaan. Siya ang nagpapasagana ng ikabubuhay ng sinumang Kanyang maibigan at naghihigpit din naman (sa sinumang Kanyang naisin). Katotohanang Siya ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ng bagay
شَرَعَ لَكُمْ مِنَ الدِّينِ مَا وَصَّىٰ بِهِ نُوحًا وَالَّذِي أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ وَمَا وَصَّيْنَا بِهِ إِبْرَاهِيمَ وَمُوسَىٰ وَعِيسَىٰ ۖ أَنْ أَقِيمُوا الدِّينَ وَلَا تَتَفَرَّقُوا فِيهِ ۚ كَبُرَ عَلَى الْمُشْرِكِينَ مَا تَدْعُوهُمْ إِلَيْهِ ۚ اللَّهُ يَجْتَبِي إِلَيْهِ مَنْ يَشَاءُ وَيَهْدِي إِلَيْهِ مَنْ يُنِيبُ
Siya (Allah) ang nagtakda sa inyo ng gayong ding Pananalig (Islam) na Kanyang itinakda (ipinag-utos) kay Noe, at gayundin ang Aming ipinahayag sa iyo (o Muhammad) at gayundin ang Aming ipinahayag kay Abraham, Moises at Hesus, na nagsasabi na kayo ay manatiling matimtiman sa Pananalig, at huwag kayong gumawa ng pagkakabaha-bahagi rito (sa Pananampalataya, alalaong baga, pagkakaroon ng iba’t ibang sekta). Ang iyong ipinangangaral (o Muhammad), ito ay hindi katanggap- tanggap sa Mushrikun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah). Si Allah ang pumipili para sa Kanyang Sarili ng sinumang Kanyang mapusuan at Siya ang namamatnubay tungo sa Kanya sa sinumang bumabaling sa Kanya sa pagsisisi at pagtalima

Choose other languages: