Quran Apps in many lanuages:

Surah As-Sajda Ayahs #11 Translated in Filipino

الَّذِي أَحْسَنَ كُلَّ شَيْءٍ خَلَقَهُ ۖ وَبَدَأَ خَلْقَ الْإِنْسَانِ مِنْ طِينٍ
Siya na lumikha ng lahat ng bagay sa pinakamainam na paraan at sinimulan Niya ang paglikha sa tao mula sa putik
ثُمَّ جَعَلَ نَسْلَهُ مِنْ سُلَالَةٍ مِنْ مَاءٍ مَهِينٍ
At ginawa Niya ang kanyang (Adan) mga supling mula sa walang katuturang katas (ng semilya ng lalaki at babae)
ثُمَّ سَوَّاهُ وَنَفَخَ فِيهِ مِنْ رُوحِهِ ۖ وَجَعَلَ لَكُمُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَالْأَفْئِدَةَ ۚ قَلِيلًا مَا تَشْكُرُونَ
At Kanyang hinubog siya sa ganap na sukat, at hiningahan Niya ito ng Kanyang espiritu (ang kaluluwa na nilikha ni Allah sa gayong tao), at iginawad Niya sa inyo ang pandinig (tainga), paningin (mata) at pang-unawa (puso). Kakarampot na pasasalamat lamang ang inyong ibinibigay
وَقَالُوا أَإِذَا ضَلَلْنَا فِي الْأَرْضِ أَإِنَّا لَفِي خَلْقٍ جَدِيدٍ ۚ بَلْ هُمْ بِلِقَاءِ رَبِّهِمْ كَافِرُونَ
At sila ay nagsasabi: “Ano! Kung kami ay pumanaw, matago at mawala sa kalupaaan, kami baga ay lilikhaing muli?” Hindi, datapuwa’t itinatakwil nila ang Pakikipagtipan sa kanilang Panginoon
قُلْ يَتَوَفَّاكُمْ مَلَكُ الْمَوْتِ الَّذِي وُكِّلَ بِكُمْ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمْ تُرْجَعُونَ
Ipagbadya: “Ang anghel ng kamatayan na nakatalaga sa inyo ay (walang pagsalang) magtatangan ng inyong kaluluwa; at kayo ay muling ibabalik sa inyong Panginoon.”

Choose other languages: