Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Naziat Ayahs #46 Translated in Filipino

يَسْأَلُونَكَ عَنِ السَّاعَةِ أَيَّانَ مُرْسَاهَا
Sila ay nagtatanong sa iyo (o Muhammad) tungkol sa oras? Kailan kaya ang kanyang takdang panahon
فِيمَ أَنْتَ مِنْ ذِكْرَاهَا
Ikaw ay walang Kaalaman na magpahayag ng anuman (tungkol) dito
إِلَىٰ رَبِّكَ مُنْتَهَاهَا
Nasa iyong Panginoon lamang (ang Kaalaman) ng Takdang Araw
إِنَّمَا أَنْتَ مُنْذِرُ مَنْ يَخْشَاهَا
At ikaw (o Muhammad) ay isa lamang Tagapagbabala sa mga may pangangamba rito
كَأَنَّهُمْ يَوْمَ يَرَوْنَهَا لَمْ يَلْبَثُوا إِلَّا عَشِيَّةً أَوْ ضُحَاهَا
Sa Araw na ito ay kanilang mapagmamalas, (wari) bang sila ay umidlip lamang ng isang gabi sa mundong ito, (o ang pinakamatagal) ay hanggang sa pagdatal ng umaga

Choose other languages: