Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Naziat Ayahs #7 Translated in Filipino

وَالسَّابِحَاتِ سَبْحًا
At sa pamamagitan ng (mga anghel) na bumababa sa kalangitan na may dalang pag-uutos ng kanilang Panginoon (o ang mga lumilipad [na mga anghel] o lumalangoy [na mga planeta] sa kanilang daan o landas
فَالسَّابِقَاتِ سَبْقًا
At sa pamamagitan nila na nagpapatuloy na nangunguna na katulad ng isang karera (alalaong baga, ang mga anghel, o mga bituin o mga kabayo, atbp)
فَالْمُدَبِّرَاتِ أَمْرًا
At sa pamamagitan ng mga anghel na nagsasaayos upang gawin ang Pag-uutos ng kanilang Panginoon, (kaya’t katunayang kayo na hindi sumasampalataya ay tatawagin upang magsulit)
يَوْمَ تَرْجُفُ الرَّاجِفَةُ
Sa Araw na (kung ang unang Pag-ihip ng Tambuli ay gawin), ang kalupaan at kabundukan ay mayayanig nang marahas (at ang lahat ay mamamatay)
تَتْبَعُهَا الرَّادِفَةُ
Na susundan ng pangalawang Pag-ihip ng Tambuli (at ang lahat ay ibabangon)

Choose other languages: