Surah An-Nahl Ayahs #113 Translated in Filipino
لَا جَرَمَ أَنَّهُمْ فِي الْآخِرَةِ هُمُ الْخَاسِرُونَ
Walang alinlangan, sa Kabilang Buhay, sila ang magiging talunan
ثُمَّ إِنَّ رَبَّكَ لِلَّذِينَ هَاجَرُوا مِنْ بَعْدِ مَا فُتِنُوا ثُمَّ جَاهَدُوا وَصَبَرُوا إِنَّ رَبَّكَ مِنْ بَعْدِهَا لَغَفُورٌ رَحِيمٌ
At katotohanan! Ang iyong Panginoon, - sila na nagsilikasmataposnasilaayilagaysapagsubokatpagkaraan ay nagsikap na mainam at nakipaglaban (sa Kapakanan ni Allah) at naging matimtiman, katotohanan, ang iyong Panginoon, matapos ito ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
يَوْمَ تَأْتِي كُلُّ نَفْسٍ تُجَادِلُ عَنْ نَفْسِهَا وَتُوَفَّىٰ كُلُّ نَفْسٍ مَا عَمِلَتْ وَهُمْ لَا يُظْلَمُونَ
(Alalahanin) ang Araw na ang bawat isa ay tatambad na nakikiusap para sa kanyang sarili, at ang bawat isa ay babayaran nang ganap ayon sa kanyang ginawa (mabuti o masama, pagkakaroon ng pananalig o kawalan ng pananampalataya sa buhay sa mundong ito), at sila ay hindi pakikitunguhan ng walang katarungan
وَضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا قَرْيَةً كَانَتْ آمِنَةً مُطْمَئِنَّةً يَأْتِيهَا رِزْقُهَا رَغَدًا مِنْ كُلِّ مَكَانٍ فَكَفَرَتْ بِأَنْعُمِ اللَّهِ فَأَذَاقَهَا اللَّهُ لِبَاسَ الْجُوعِ وَالْخَوْفِ بِمَا كَانُوا يَصْنَعُونَ
At si Allah ay nagtanghal ng halimbawa ng isang pamayanan (Makkah) na naninirahan nang panatag at may kasiyahan; ang mga panustos na kabuhayan ay dumarating dito nang sagana mula sa lahat ng lugar, datapuwa’t ito (ang pamayanan) ay nagtatwa sa mga Pagpapala (Kagandahang Loob) ni Allah (sa kawalan ng damdamin ng pasasalamat). Kaya’t hinayaan ni Allah na lasapin nito ang matinding gutom (salot) at pangamba, dahilan sa gayong (kasamaan, alalaong baga, ang pagtatakwil kay Propeta Muhammad) na ginawa (ng kanyang pamayanan)
وَلَقَدْ جَاءَهُمْ رَسُولٌ مِنْهُمْ فَكَذَّبُوهُ فَأَخَذَهُمُ الْعَذَابُ وَهُمْ ظَالِمُونَ
At katotohanan! dumatal sa kanila ang isang Tagapagbalita (Muhammad) mula sa kanilang lipon, datapuwa’t kanilang itinakwil siya, kaya’t ang kaparusahan ay sumakmal sa kanila habang sila ay Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, mapaggawa ng kamalian, buhong, buktot, atbp)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
