Surah Al-Qalam Ayahs #43 Translated in Filipino
أَمْ لَكُمْ أَيْمَانٌ عَلَيْنَا بَالِغَةٌ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ ۙ إِنَّ لَكُمْ لَمَا تَحْكُمُونَ
o mayroon ba kayong Kasunduan sa Amin na (inyong) sinumpaan, na makakaabot sa Araw ng Paghuhukom (at magkakaloob) na inyong matatamasa ang anumang inyong hilingin
سَلْهُمْ أَيُّهُمْ بِذَٰلِكَ زَعِيمٌ
Iyong tanungin sila (o Muhammad) kung alin sa kanila ang makakapanagot dito
أَمْ لَهُمْ شُرَكَاءُ فَلْيَأْتُوا بِشُرَكَائِهِمْ إِنْ كَانُوا صَادِقِينَ
o mayroon ba silang mga katambal (sa Diyos)? Hayaang dalhin nila ang kanilang mga katambal (sa diyos), kung sila ay nagsasabi ng katotohanan
يَوْمَ يُكْشَفُ عَنْ سَاقٍ وَيُدْعَوْنَ إِلَى السُّجُودِ فَلَا يَسْتَطِيعُونَ
(Alalahanin) ang Araw na ang lulod (alalaong baga, ang pagiging huwad) ay matatambad, at sila ay pag-uutusan na magpatirapa (kay Allah), datapuwa’t (sila na mapagkunwari) ay hindi makakagawa nito
خَاشِعَةً أَبْصَارُهُمْ تَرْهَقُهُمْ ذِلَّةٌ ۖ وَقَدْ كَانُوا يُدْعَوْنَ إِلَى السُّجُودِ وَهُمْ سَالِمُونَ
Ang kanilang mga mata ay nakatuon sa lupa, at ang pagkaaba ay bumabalot sa kanila, sapagkat napagtanto nila (na sa buhay sa mundong ito), sila ay pinag-utusan na magpatirapa (sa pag-aalay ng panalangin), habang sila ay buo pa (malusog at mainam) at hindi nasasaktan (subalit sila ay hindi sumunod)
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
