Surah Al-Maeda Ayahs #66 Translated in Filipino
وَتَرَىٰ كَثِيرًا مِنْهُمْ يُسَارِعُونَ فِي الْإِثْمِ وَالْعُدْوَانِ وَأَكْلِهِمُ السُّحْتَ ۚ لَبِئْسَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
At inyong napagmamalas ang marami sa kanila (mga Hudyo) na nagmamadali sa kasalanan at paglabag, at kumakain ng mga bawal na bagay (tulad ng suhol at riba [tubo sa pera o pautang], atbp.). Tunay na kasamaan ang kanilang ginagawa
لَوْلَا يَنْهَاهُمُ الرَّبَّانِيُّونَ وَالْأَحْبَارُ عَنْ قَوْلِهِمُ الْإِثْمَ وَأَكْلِهِمُ السُّحْتَ ۚ لَبِئْسَ مَا كَانُوا يَصْنَعُونَ
Bakit kaya ang mga rabbi at mga relihiyosong tao ay hindi pumipigil sa kanila sa pagsasalita ng mga makasalanang salita at sa pagkain ng mga ipinagbabawal na bagay. Tunay na kasamaan ang kanilang ginagawa
وَقَالَتِ الْيَهُودُ يَدُ اللَّهِ مَغْلُولَةٌ ۚ غُلَّتْ أَيْدِيهِمْ وَلُعِنُوا بِمَا قَالُوا ۘ بَلْ يَدَاهُ مَبْسُوطَتَانِ يُنْفِقُ كَيْفَ يَشَاءُ ۚ وَلَيَزِيدَنَّ كَثِيرًا مِنْهُمْ مَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ طُغْيَانًا وَكُفْرًا ۚ وَأَلْقَيْنَا بَيْنَهُمُ الْعَدَاوَةَ وَالْبَغْضَاءَ إِلَىٰ يَوْمِ الْقِيَامَةِ ۚ كُلَّمَا أَوْقَدُوا نَارًا لِلْحَرْبِ أَطْفَأَهَا اللَّهُ ۚ وَيَسْعَوْنَ فِي الْأَرْضِ فَسَادًا ۚ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ الْمُفْسِدِينَ
Ang mga Hudyo ay nagsasabi: “Ang Kamay ni Allah ay nakatali (alalaong baga, Siya ay hindi nagbibigay at gumugugol ng Kanyang Kasaganaan).” Hayaan ang kanilang mga kamay ay matalian at sila ay sumpain sa kanilang mga sinabi. Hindi, ang Kanyang mga Kamay ay nakaunat nang malapad. Siya ay gumugugol (ng Kanyang Kasaganaan) sa Kanyang maibigan. Katotohanan, ang kapahayagan na dumatal sa iyo mula kay Allah ay nagparagdag sa karamihan sa kanila ng katigasan ng kanilang ulo, ng paghihimagsik at kawalan ng pananalig. Naglagay Kami ng galit at pagkamuhi sa pagitan nila hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay. Sa bawat sandali na kanilang pinapagliyab ang apoy ng digmaan, si Allah ang pumapawi nito; at sila (ay lalagi) nang nagsusumikap na makagawa ng kabuktutan sa kalupaan. At si Allah ay hindi nalulugod sa Mufsidun (mga mapaggawa ng kalokohan, kabuktutan, kabuhungan)
وَلَوْ أَنَّ أَهْلَ الْكِتَابِ آمَنُوا وَاتَّقَوْا لَكَفَّرْنَا عَنْهُمْ سَيِّئَاتِهِمْ وَلَأَدْخَلْنَاهُمْ جَنَّاتِ النَّعِيمِ
At kung nagsipanalig lamang ang Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) kay (Muhammad) at umiwas sa kasamaan (kasalanan, sa pagtataguri kay Allah ng mga katambal [o anak] at naging Muttaqun [mga matimtiman at matutuwid]), katotohanang Aming buburahin ang kanilang mga kasalanan at sila ay tatanggapin Namin sa Halamanan ng Kasiyahan (sa Paraiso)
وَلَوْ أَنَّهُمْ أَقَامُوا التَّوْرَاةَ وَالْإِنْجِيلَ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْهِمْ مِنْ رَبِّهِمْ لَأَكَلُوا مِنْ فَوْقِهِمْ وَمِنْ تَحْتِ أَرْجُلِهِمْ ۚ مِنْهُمْ أُمَّةٌ مُقْتَصِدَةٌ ۖ وَكَثِيرٌ مِنْهُمْ سَاءَ مَا يَعْمَلُونَ
At kung sila lamang ay gumawa ng ayon sa Torah (mga Batas), sa Ebanghelyo, at sa ipinanaog sa kanila (ngayon) mula sa kanilang Panginoon (ang Qur’an), katotohanang sila sana ay nakapagtamo ng kasaganaan at ikabubuhay mula sa itaas nila at mula sa ilalim ng kanilang mga paa. Mayroong mga tao sa lipon nila ang nasa tamang landas (alalaong baga, sila ay gumagawa ng ayon sa kapahayagan at nananalig kay Propeta Muhammad), datapuwa’t marami sa kanila ang gumagawa ng kasamaan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
