Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Jathiya Ayahs #37 Translated in Filipino

وَقِيلَ الْيَوْمَ نَنْسَاكُمْ كَمَا نَسِيتُمْ لِقَاءَ يَوْمِكُمْ هَٰذَا وَمَأْوَاكُمُ النَّارُ وَمَا لَكُمْ مِنْ نَاصِرِينَ
Gayundin naman, sa kanila ay ipagbabadya: “Sa Araw na ito ay Aming kakaligtaan kayo kung paano rin naman hindi ninyo binigyang pansin ang (inyong) Araw ng Pakikipagtipan. Ang inyong pananahanan ay Apoy at walang sinuman ang makakatulong sa inyo!”
ذَٰلِكُمْ بِأَنَّكُمُ اتَّخَذْتُمْ آيَاتِ اللَّهِ هُزُوًا وَغَرَّتْكُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۚ فَالْيَوْمَ لَا يُخْرَجُونَ مِنْهَا وَلَا هُمْ يُسْتَعْتَبُونَ
Sapagkat kayo ay namihasa na nagturing sa mga Pahayag ni Allah (ang Qur’an) bilang katuwaan, at ang buhay sa mundong ito ang dumaya sa inyo. Kaya’t mula sa Araw na ito, sila ay hindi na maiaalis pa rito (Impiyerno), gayundin naman sila ay hindi magiging Yasta’tabun (alalaong baga, hindi na sila makakabalik sa makamundong buhay upang sila ay magtika kay Allah at manikluhod sa Kanyang Kapatawaran ng kanilang mga kasalanan)
فَلِلَّهِ الْحَمْدُ رَبِّ السَّمَاوَاتِ وَرَبِّ الْأَرْضِ رَبِّ الْعَالَمِينَ
Kaya’t ang lahat ng mga Pagpupuri at Pasasalamat ay kay Allah lamang, ang Panginoon ng kalangitan at Panginoon ng kalupaan at Panginoon at Tagapagtaguyod ng lahat ng mga nilalang
وَلَهُ الْكِبْرِيَاءُ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۖ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
At tanging sa Kanya (lamang) ang pag-aangkin ng Kapamahalaan (Kamahalan) sa kalangitan at kalupaan, at Siya ang Pinakamakapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan

Choose other languages: