Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Jathiya Ayahs #6 Translated in Filipino

تَنْزِيلُ الْكِتَابِ مِنَ اللَّهِ الْعَزِيزِ الْحَكِيمِ
Ang Kapahayagan ng Aklat (ang Qur’an) ay mula kay Allah, ang Mataas sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan
إِنَّ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ لَآيَاتٍ لِلْمُؤْمِنِينَ
Katotohanang sa kalangitan at kalupaan, naririto ang mga Tanda sa mga sumasampalataya
وَفِي خَلْقِكُمْ وَمَا يَبُثُّ مِنْ دَابَّةٍ آيَاتٌ لِقَوْمٍ يُوقِنُونَ
At sa pagkakalikha sa inyong sarili, at sa anumang Kanyang ikinalat (sa kalupaan) na gumagalaw (may buhay) na mga nilalang. Ito ay mga Tanda para sa mga tao na may matibay at tiyak na pananalig
وَاخْتِلَافِ اللَّيْلِ وَالنَّهَارِ وَمَا أَنْزَلَ اللَّهُ مِنَ السَّمَاءِ مِنْ رِزْقٍ فَأَحْيَا بِهِ الْأَرْضَ بَعْدَ مَوْتِهَا وَتَصْرِيفِ الرِّيَاحِ آيَاتٌ لِقَوْمٍ يَعْقِلُونَ
At sa pagpapalitan ng araw at gabi, at katotohanang si Allah ang nagpamalisbis ng panustos (na ulan) na (Kanyang) ipinanaog mula sa alapaap at nagbigay buhay sa tigang na lupa, at sa pagbabago ng direksyon ng ihip ng hangin (alalaong baga, kung minsan ay patungo sa silangan o hilaga, at kung minsan ay patungo sa timog o kanluran, at kung minsan ay nagdadala ng masayang balita ng ulan at kung minsan ay nagdadala ng kaparusahan [bagyo]), ito ay mga Tanda para sa mga tao na may kaalaman at pang-unawa
تِلْكَ آيَاتُ اللَّهِ نَتْلُوهَا عَلَيْكَ بِالْحَقِّ ۖ فَبِأَيِّ حَدِيثٍ بَعْدَ اللَّهِ وَآيَاتِهِ يُؤْمِنُونَ
Ito ang Ayat (mga tanda, kapahayagan, katibayan, aral, atbp.) ni Allah, na Aming ipinahayag sa iyo (O Muhammad) ng may katotohanan, kaya’t sa alin (at ano) pa kayang pahayag na iba pa kay Allah at sa Kanyang Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp.), sila ay maniniwala

Choose other languages: