Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Insan Ayahs #7 Translated in Filipino

إِنَّا هَدَيْنَاهُ السَّبِيلَ إِمَّا شَاكِرًا وَإِمَّا كَفُورًا
Katotohanang Aming itinuro sa kanya ang landas (na may kalayaan) na maging mabuti sa pasasalamat o kawalan ng pasasalamat
إِنَّا أَعْتَدْنَا لِلْكَافِرِينَ سَلَاسِلَ وَأَغْلَالًا وَسَعِيرًا
At sa mga nagtatakwil sa pananampalataya ay Aming inihanda ang mga bakal na kadena, ang mga gapos (sa leeg) at Naglalagablab na Apoy
إِنَّ الْأَبْرَارَ يَشْرَبُونَ مِنْ كَأْسٍ كَانَ مِزَاجُهَا كَافُورًا
Katotohanang sa mga Abrar (matutuwid na tao na nangangamba kay Allah at umiiwas sa kasalanan), ay magsisiinom sa kopita na ang laman nito (ay alak) na hinaluan ng tubig mula sa batis ng Paraiso na tinatawag na Kafur
عَيْنًا يَشْرَبُ بِهَا عِبَادُ اللَّهِ يُفَجِّرُونَهَا تَفْجِيرًا
Sa isang bukal na kung saan ang mga tagapaglingkod ni Allah ay magsisiinom, na dumadaloy nang masagana at hindi magmamaliw
يُوفُونَ بِالنَّذْرِ وَيَخَافُونَ يَوْمًا كَانَ شَرُّهُ مُسْتَطِيرًا
(Sapagkat) sila nga ang nagsiganap ng kanilang tungkulin at nangamba sa Araw na ang kasamaan ay magsisipangalat nang malayo at malawak

Choose other languages: