Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Insan Ayahs #31 Translated in Filipino

نَحْنُ خَلَقْنَاهُمْ وَشَدَدْنَا أَسْرَهُمْ ۖ وَإِذَا شِئْنَا بَدَّلْنَا أَمْثَالَهُمْ تَبْدِيلًا
Kami (Allah) ang lumikha sa kanila at ginawa Naming matibay ang kanilang balangkas (ng buto). At kung Aming naisin, magagawa Naming palitan sila ng iba na katulad din nila, ng buong-buo
إِنَّ هَٰذِهِ تَذْكِرَةٌ ۖ فَمَنْ شَاءَ اتَّخَذَ إِلَىٰ رَبِّهِ سَبِيلًا
Katotohanan! Ang (mga Talata ng Qur’an) ay isang Pagpapaala-ala (tagubilin), kaya’t sinuman ang magnais, hayaan siya na tahakin ang Landas tungo sa kanyang Panginoon (Allah)
وَمَا تَشَاءُونَ إِلَّا أَنْ يَشَاءَ اللَّهُ ۚ إِنَّ اللَّهَ كَانَ عَلِيمًا حَكِيمًا
Ngunit malibang pahintulutan ni Allah, ito ay hindi ninyo magaganap. Katotohanang si Allah ay Lalagi nang Pinakamaalam, ang Tigib ng Karunungan
يُدْخِلُ مَنْ يَشَاءُ فِي رَحْمَتِهِ ۚ وَالظَّالِمِينَ أَعَدَّ لَهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا
Tatanggapin Niya ng Kanyang Habag ang sinumang Kanyang maibigan, datapuwa’t sa Zalimun (mga tampalasan, mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, makasalanan, walang pananalig, atbp.), sa kanila ay inihanda Niya ang Kasakit-sakit na Kaparusahan

Choose other languages: