Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hijr Ayahs #24 Translated in Filipino

وَجَعَلْنَا لَكُمْ فِيهَا مَعَايِشَ وَمَنْ لَسْتُمْ لَهُ بِرَازِقِينَ
At naglagay Kami rito ng lahat ng panggagalingan ng ikabubuhay, - sa inyo at para sa lahat ng mga hindi ninyo tinatangkilik (mga ibang nilikha tulad ng mga hayop, insekto, atbp)
وَإِنْ مِنْ شَيْءٍ إِلَّا عِنْدَنَا خَزَائِنُهُ وَمَا نُنَزِّلُهُ إِلَّا بِقَدَرٍ مَعْلُومٍ
At walang anumang bagay (sa santinakpan) ang hindi mula sa Amin ang kanilang ikinabubuhay. At hindi Namin ipinanaog ito maliban sa ganap na sukat
وَأَرْسَلْنَا الرِّيَاحَ لَوَاقِحَ فَأَنْزَلْنَا مِنَ السَّمَاءِ مَاءً فَأَسْقَيْنَاكُمُوهُ وَمَا أَنْتُمْ لَهُ بِخَازِنِينَ
At ipinadala Namin ang hangin na nagtatanim (ng tubig sa mga ulap) upang ang ulan ay mamalisbis mula sa alapaap tungo sa kalupaan, at ibinigay Namin ito sa inyo bilang inumin, at hindi kayo ang nagmamay-ari ng kanilang pinagkukunan (alalaong baga, wala tayong karapatan na magbigay ng tubig sa sinumang ating naisin o ipagkait ito sa sinumang ating naisin)
وَإِنَّا لَنَحْنُ نُحْيِي وَنُمِيتُ وَنَحْنُ الْوَارِثُونَ
At katotohanang Kami! Kami ang tagapagbigay ng buhay at nagkakaloob ng kamatayan, at Kami ang Tagapagmana (matapos ang lahat ay pumanaw)
وَلَقَدْ عَلِمْنَا الْمُسْتَقْدِمِينَ مِنْكُمْ وَلَقَدْ عَلِمْنَا الْمُسْتَأْخِرِينَ
At katotohanang batid Namin ang inyong mga unang henerasyon na nagsipanaw, at walang pagsala na nababatid Namin ang inyong kasalukuyang henerasyon (ng sangkatauhan), gayundin ang darating na mga henerasyon

Choose other languages: