Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hijr Ayahs #16 Translated in Filipino

كَذَٰلِكَ نَسْلُكُهُ فِي قُلُوبِ الْمُجْرِمِينَ
Kaya’t hinayaan Namin ito (ang pagsamba sa mga diyus- diyosan at kawalan ng pananalig) ay magsipasok sa puso ng Mujrimun (mga buhong, buktot, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp., dahilan sa kanilang panunuya sa mga Tagapagbalita)
لَا يُؤْمِنُونَ بِهِ ۖ وَقَدْ خَلَتْ سُنَّةُ الْأَوَّلِينَ
Sila ay hindi sasampalataya rito (ang Qur’an), at nangyari, na ang halimbawa (ng kaparusahan ni Allah) sa mga unang tao (na hindi nanampalataya) ay sumapit (sa kanila)
وَلَوْ فَتَحْنَا عَلَيْهِمْ بَابًا مِنَ السَّمَاءِ فَظَلُّوا فِيهِ يَعْرُجُونَ
At kahit na buksan Namin ang Tarangkahan mula sa langit at doon sila ay magpatuloy na umakyat
لَقَالُوا إِنَّمَا سُكِّرَتْ أَبْصَارُنَا بَلْ نَحْنُ قَوْمٌ مَسْحُورُونَ
Katiyakang sila ay magsasabi: “Ang aming mga mata ay nilasing. Hindi, kami ay mga tao na ginaway (ng mangkukulam).”
وَلَقَدْ جَعَلْنَا فِي السَّمَاءِ بُرُوجًا وَزَيَّنَّاهَا لِلنَّاظِرِينَ
At katotohanang ibinitin Namin sa kalangitan ang malalaking bituin, at ginawa Namin ito na marikit sa mata ng mga nagmamasid

Choose other languages: