Surah Al-Furqan Ayahs #50 Translated in Filipino
ثُمَّ قَبَضْنَاهُ إِلَيْنَا قَبْضًا يَسِيرًا
At pagkatapos ay ikinubli Namin ito sa Aming Sarili, - unti-unting nakukubli nang nakalingid
وَهُوَ الَّذِي جَعَلَ لَكُمُ اللَّيْلَ لِبَاسًا وَالنَّوْمَ سُبَاتًا وَجَعَلَ النَّهَارَ نُشُورًا
At Siya ang lumikha ng gabi bilang inyong panganlong, at ng pagtulog (bilang) pamamahinga, at ginawa Niya ang maghapon bilang Nushur (alalaong baga, ang pagbangon sa umaga at pagtungo [natin] dito at doon para sa pang-araw-araw na gawain pagkatapos nang pagtulog sa gabi, o di kaya ay katulad ng muling pagkabuhay [paggising sa umaga] matapos ang kamatayan [pagtulog sa gabi]
وَهُوَ الَّذِي أَرْسَلَ الرِّيَاحَ بُشْرًا بَيْنَ يَدَيْ رَحْمَتِهِ ۚ وَأَنْزَلْنَا مِنَ السَّمَاءِ مَاءً طَهُورًا
At Siya ang nagsusugo ng hangin bilang tagapagbalita ng masayang balita, na tumutungo sa harapan ng Kanyang Habag (ang ulan), at nagpapamalisbis Kami ng dalisay na tubig mula sa alapaap
لِنُحْيِيَ بِهِ بَلْدَةً مَيْتًا وَنُسْقِيَهُ مِمَّا خَلَقْنَا أَنْعَامًا وَأَنَاسِيَّ كَثِيرًا
Upang magbigay buhay Kami rito sa tigang na lupa, at mabigyan Namin ng inumin ang mga hayupan (bakahan) at mga tao na Aming nilikha
وَلَقَدْ صَرَّفْنَاهُ بَيْنَهُمْ لِيَذَّكَّرُوا فَأَبَىٰ أَكْثَرُ النَّاسِ إِلَّا كُفُورًا
At katotohanang Aming ikinalat (ang ulan o tubig) sa pagitan nila, (upang nang sa gayon) ay makaala-ala sila sa Biyaya ni Allah, datapuwa’t ang karamihan sa mga tao ay tumatanggi (o nagtatakwil sa Katotohanan o Pananalig), at walang tinatanggap kung hindi ang kawalan ng pananalig o walang utang na loob ng pasasalamat
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
