Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Bayyina Ayahs #6 Translated in Filipino

رَسُولٌ مِنَ اللَّهِ يَتْلُو صُحُفًا مُطَهَّرَةً
Isang Tagapagbalita (Muhammad) mula kay Allah, na dumadalit ng mga dalisay na pahina (ng Qur’an, dalisay sa Al-Batil [kabulaanan, kasinungalingan, atbp)
فِيهَا كُتُبٌ قَيِّمَةٌ
Na nagtataglay ng tumpak at tuwid na mga batas mula kay Allah
وَمَا تَفَرَّقَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ إِلَّا مِنْ بَعْدِ مَا جَاءَتْهُمُ الْبَيِّنَةُ
At ang Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay hindi gumagawa ng pagkakaiba noon (sa mga Batas, sa mga Propeta, atbp.) maliban na lamang nang dumatal sa kanila ang Malinaw na Katibayan (alalaong baga, si Propeta Muhammad at anumang ipinahayag sa kanya)
وَمَا أُمِرُوا إِلَّا لِيَعْبُدُوا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ حُنَفَاءَ وَيُقِيمُوا الصَّلَاةَ وَيُؤْتُوا الزَّكَاةَ ۚ وَذَٰلِكَ دِينُ الْقَيِّمَةِ
At sila ay hindi pinag-utusan maliban lamang na kanilang sambahin si Allah, at huwag sumamba sa iba maliban pa sa Kanya (huwag mag-akibat ng mga katambal sa Kanya), at nag- aalay ng panalangin nang mahinusay (Iqamat-us-Salat), at nagkakaloob ng Zakat (katungkulang kawanggawa), at ito ang Tumpak na Pananampalataya
إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ وَالْمُشْرِكِينَ فِي نَارِ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ أُولَٰئِكَ هُمْ شَرُّ الْبَرِيَّةِ
Katotohanan, sila na hindi sumasampalataya (sa relihiyong Islam, sa Qur’an at kay Propeta Muhammad) sa lipon ng Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) at mga Pagano (mapagsamba sa mga diyus-diyosan), ay mananahan sa Apoy ng Impiyerno. Sila ang pinakamasama sa lahat ng mga nilalang

Choose other languages: