Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #176 Translated in Filipino

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُلُوا مِنْ طَيِّبَاتِ مَا رَزَقْنَاكُمْ وَاشْكُرُوا لِلَّهِ إِنْ كُنْتُمْ إِيَّاهُ تَعْبُدُونَ
o kayong nagsisisampalataya! Magsikain kayo ng mga pinahihintulutang bagay na Aming ipinagkaloob sa inyo at magkaroon ng damdamin ng pasasalamat kay Allah, kung katiyakang Siya ang inyong sinasamba
إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيْكُمُ الْمَيْتَةَ وَالدَّمَ وَلَحْمَ الْخِنْزِيرِ وَمَا أُهِلَّ بِهِ لِغَيْرِ اللَّهِ ۖ فَمَنِ اضْطُرَّ غَيْرَ بَاغٍ وَلَا عَادٍ فَلَا إِثْمَ عَلَيْهِ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Ipinagbawal lamang Niya sa inyo ang Maytata (patay na karne o hayop), at dugo, at ang laman (o karne) ng baboy, at (mga hayop) na kinatay bilang sakripisyo (alay) maliban pa kay Allah (alalaong baga, inialay sa mga diyus-diyosan, o hindi binanggit ang Ngalan ni Allah sa sandali ng pagkakatay). Datapuwa’t kung sinuman ang napilitan dahilan sa pangangailangan, na walang pagnanais o paglabag sa pagsuway, kung gayon, ito ay hindi kasalanan sa kanya. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
إِنَّ الَّذِينَ يَكْتُمُونَ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ مِنَ الْكِتَابِ وَيَشْتَرُونَ بِهِ ثَمَنًا قَلِيلًا ۙ أُولَٰئِكَ مَا يَأْكُلُونَ فِي بُطُونِهِمْ إِلَّا النَّارَ وَلَا يُكَلِّمُهُمُ اللَّهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ وَلَا يُزَكِّيهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Katotohanan, ang mga naglilingid ng mga ipinahayag ni Allah sa Aklat, at bumibili ng maliit na pakinabangsapamamagitannito(ngmakamundongbagay), wala silang nilulunok sa kanilang mga tiyan kundi ang apoy. Si Allah ay hindi mangungusap sa kanila sa Araw ng Muling Pagkabuhay, gayundin naman ay hindi sila dadalisayin, at kasakit-sakit ang kanilang kaparusahan
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ اشْتَرَوُا الضَّلَالَةَ بِالْهُدَىٰ وَالْعَذَابَ بِالْمَغْفِرَةِ ۚ فَمَا أَصْبَرَهُمْ عَلَى النَّارِ
Sila ang mga bumibili ng kamalian sa halaga (sa halip) ng Patnubay, at kaparusahan sa halaga (sa halip) ng Pagpapatawad. Ah! Ano itong katapangan (na kanilang ipinamalas) sa Apoy
ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ نَزَّلَ الْكِتَابَ بِالْحَقِّ ۗ وَإِنَّ الَّذِينَ اخْتَلَفُوا فِي الْكِتَابِ لَفِي شِقَاقٍ بَعِيدٍ
Ito’y sa dahilang ipinadala niAllah angAklat (ang Qur’an) sa katotohanan. At katotohanan, ang mga nagsisipagtalo- talo tungkol sa Aklat ay malayong-malayo na sa pagtutol

Choose other languages: