Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayahs #146 Translated in Filipino

وَوَاعَدْنَا مُوسَىٰ ثَلَاثِينَ لَيْلَةً وَأَتْمَمْنَاهَا بِعَشْرٍ فَتَمَّ مِيقَاتُ رَبِّهِ أَرْبَعِينَ لَيْلَةً ۚ وَقَالَ مُوسَىٰ لِأَخِيهِ هَارُونَ اخْلُفْنِي فِي قَوْمِي وَأَصْلِحْ وَلَا تَتَّبِعْ سَبِيلَ الْمُفْسِدِينَ
At Aming itinalaga kay Moises ang tatlumpung gabi at idinagdag (sa bilang na ito) ang sampu (pa), at kanyang naganap ang taning na itinalaga ng kanyang Panginoon, na apatnapung gabi.At si Moises ay nagsabi sa kanyang kapatid na si Aaron: “Ikaw ang humalili sa akin sa lipon ng aking mga tao, gumawa ka sa tamang landas (na mag-utos sa mga tao na sundin si Allah at sambahin lamang Siya) at huwag mong sundin ang landas ng Mufsidun (mga mapaggawa ng kabuktutan, tampalasan, makasalanan, atbp.).”
وَلَمَّا جَاءَ مُوسَىٰ لِمِيقَاتِنَا وَكَلَّمَهُ رَبُّهُ قَالَ رَبِّ أَرِنِي أَنْظُرْ إِلَيْكَ ۚ قَالَ لَنْ تَرَانِي وَلَٰكِنِ انْظُرْ إِلَى الْجَبَلِ فَإِنِ اسْتَقَرَّ مَكَانَهُ فَسَوْفَ تَرَانِي ۚ فَلَمَّا تَجَلَّىٰ رَبُّهُ لِلْجَبَلِ جَعَلَهُ دَكًّا وَخَرَّ مُوسَىٰ صَعِقًا ۚ فَلَمَّا أَفَاقَ قَالَ سُبْحَانَكَ تُبْتُ إِلَيْكَ وَأَنَا أَوَّلُ الْمُؤْمِنِينَ
At nang si Moises ay dumating sa oras at lugar na Aming itinalaga, at ang kanyang Panginoon ay nangusap sa kanya, siya ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ipakita Ninyo sa akin (ang Inyong Sarili), upang ako ay makamalas sa Inyo.” Si Allah ay nagwika: “Hindi mo ako mamamasdan, datapuwa’t tumingin ka sa bundok, kung ito ay patuloy na nakatindig sa kanyang lugar, Ako ay iyong mamamasdan.” Kaya’t nang ang kanyang Panginoon ay magpakita sa bundok (ang pagpapakita ni Allah sa bundok ay napakaliit lamang [na bahagi] ng Kanyang sarili. Ito ay humigit-kumulang sa dulo lamang ng isang daliri ayon sa pagpapaliwanag ng Propeta), Kanyang hinayaan na maguho ito, at si Moises ay napahindusay na walang malay. Nang siya ay pagbalikan ng ulirat, siya ay nagsabi: “Ang Kaluwalhatian ay Sumainyo, ako ay bumabaling sa Inyo sa pagsisisi at ako ang una sa mga sumasampalataya.”
قَالَ يَا مُوسَىٰ إِنِّي اصْطَفَيْتُكَ عَلَى النَّاسِ بِرِسَالَاتِي وَبِكَلَامِي فَخُذْ مَا آتَيْتُكَ وَكُنْ مِنَ الشَّاكِرِينَ
(Si Allah) ay nagwika: “o Moises, ikaw ay Aking hinirang ng higit sa ibang lalaki sa pamamagitan ng Aking mga Mensahe, at ng Aking pakikipag-usap (sa iyo). Kaya’t pananganan mo ang Aking ipinagkaloob sa iyo at maging isa sa mga may pagtingin ng pasasalamat (sa Akin).”
وَكَتَبْنَا لَهُ فِي الْأَلْوَاحِ مِنْ كُلِّ شَيْءٍ مَوْعِظَةً وَتَفْصِيلًا لِكُلِّ شَيْءٍ فَخُذْهَا بِقُوَّةٍ وَأْمُرْ قَوْمَكَ يَأْخُذُوا بِأَحْسَنِهَا ۚ سَأُرِيكُمْ دَارَ الْفَاسِقِينَ
At isinulat Namin para sa kanya sa mga Tableta (Kalatas) ang mga aral na maaaring makuha sa lahat ng bagay at ang kapaliwanagan ng lahat ng bagay (at Kami ay nagwika): “Manangan ka rito ng may katatagan at pagtagubilinan mo ang iyong pamayanan na kunin ang mabubuti rito. Ipamamalas Ko sa iyo ang tahanan ng Al-Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)
سَأَصْرِفُ عَنْ آيَاتِيَ الَّذِينَ يَتَكَبَّرُونَ فِي الْأَرْضِ بِغَيْرِ الْحَقِّ وَإِنْ يَرَوْا كُلَّ آيَةٍ لَا يُؤْمِنُوا بِهَا وَإِنْ يَرَوْا سَبِيلَ الرُّشْدِ لَا يَتَّخِذُوهُ سَبِيلًا وَإِنْ يَرَوْا سَبِيلَ الْغَيِّ يَتَّخِذُوهُ سَبِيلًا ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا وَكَانُوا عَنْهَا غَافِلِينَ
Aking (Allah) itatalikod sa Aking Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda, atbp.) ang (mga tao) na nag-uugali ng kapalaluan sa kalupaan sa maling paraan, at (kahit na) makita nilang lahat ang Ayat (mga kapahayagan, aral, tanda, katibayan, atbp.), sila ay hindi mananampalataya rito. At kung kanilang makita ang daan ng kabutihan (paniniwala sa Nag- iisang diyos, kabanalan at mabuting gawa), hindi nila ito yayakapin bilang isang landas, datapuwa’t kung kanilang makita ang landas ng kamalian (pagsamba sa diyus-diyosan, krimen at masasamang gawa), kanilang yayakapin ang gayong landas, ito’y sa dahilang itinakwil nila ang Aming Ayat (mga kapahayagan, katibayan, aral, tanda, atbp.) at hindi nakikinig (na matuto ng aral) na manggagaling dito

Choose other languages: