Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #25 Translated in Filipino

أَمِ اتَّخَذُوا آلِهَةً مِنَ الْأَرْضِ هُمْ يُنْشِرُونَ
o sila ba ay nagturing ng iba pang mga diyos (upang sambahin) sa kalupaan na bumubuhay ng patay
لَوْ كَانَ فِيهِمَا آلِهَةٌ إِلَّا اللَّهُ لَفَسَدَتَا ۚ فَسُبْحَانَ اللَّهِ رَبِّ الْعَرْشِ عَمَّا يَصِفُونَ
Kung nagkaroon man dito (sa kalangitan at kalupaan) ng iba pang mga diyos maliban kay Allah, kung gayon, katotohanang sila ay kapwa mawawasak. Luwalhatiin si Allah, ang Panginoon ng Luklukan, (higit Siyang Mataas) sa lahat ng mga itinatambal nila sa Kanya
لَا يُسْأَلُ عَمَّا يَفْعَلُ وَهُمْ يُسْأَلُونَ
Siya (Allah) ay hindi maaaring tanungin sa Kanyang ginagawa, samantalang sila
أَمِ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ آلِهَةً ۖ قُلْ هَاتُوا بُرْهَانَكُمْ ۖ هَٰذَا ذِكْرُ مَنْ مَعِيَ وَذِكْرُ مَنْ قَبْلِي ۗ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ الْحَقَّ ۖ فَهُمْ مُعْرِضُونَ
o nagturing ba sila ng iba pang mga diyos upang sambahin maliban sa Kanya? Ipagbadya: “Dalhin ninyo ang inyong katibayan.” Ito (ang Qur’an) ay isang Paala-ala sa mga sumusunod sa akin at gayundin (ay isang Paala- ala) sa mga nangauna sa akin. Datapuwa’t ang karamihan sa kanila ay hindi nakakabatid ng Katotohanan, kaya sila ay umaayaw
وَمَا أَرْسَلْنَا مِنْ قَبْلِكَ مِنْ رَسُولٍ إِلَّا نُوحِي إِلَيْهِ أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا أَنَا فَاعْبُدُونِ
At hindi Namin isinugo ang sinumang Tagapagbalita bago pa sa iyo (o Muhammad), na hindi Namin binigyan ng inspirasyon (na magsabi): “La ilaha illa Ana (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Akin [Allah]), kaya’t sambahin Ako (ng Tangi at wala ng iba).”

Choose other languages: