Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anbiya Ayahs #112 Translated in Filipino

فَإِنْ تَوَلَّوْا فَقُلْ آذَنْتُكُمْ عَلَىٰ سَوَاءٍ ۖ وَإِنْ أَدْرِي أَقَرِيبٌ أَمْ بَعِيدٌ مَا تُوعَدُونَ
Datapuwa’t kung sila (mga pagano, mapagsamba sa diyus-diyosan, Hudyo, Kristiyano, atbp.) ay magsitalikod (sa Islam at Kaisahan ni Allah), ipagsaysay mo sa kanila (o Muhammad): “Ipinahayag ko sa inyong lahat ang Mensahe sa Katotohanan (o babala ng labanan), na maging lantad sa ating lahat, subalit hindi ko nababatid kung ang ipinangako sa inyo (alalaong baga, ang kaparusahan sa Araw ng Muling Pagkabuhay) ay malapit na o malayo pa
إِنَّهُ يَعْلَمُ الْجَهْرَ مِنَ الْقَوْلِ وَيَعْلَمُ مَا تَكْتُمُونَ
Ipagbadya mo (o Muhammad): “Katotohanang Siya (Allah) ang nakakabatid kung ano ang inyong ipinangungusap nang malakas (lantad) at gayundin ang inyong ikinukubli
وَإِنْ أَدْرِي لَعَلَّهُ فِتْنَةٌ لَكُمْ وَمَتَاعٌ إِلَىٰ حِينٍ
At hindi ko (ito) batid, marahil ito ay isa lamang pagsubok sa inyo, at isang pansamantalang pagsasaya lamang
قَالَ رَبِّ احْكُمْ بِالْحَقِّ ۗ وَرَبُّنَا الرَّحْمَٰنُ الْمُسْتَعَانُ عَلَىٰ مَا تَصِفُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Aking Panginoon! Kayo ang humahatol sa katotohanan! Ang aming Panginoon ang Pinakamapagpala. Ang Kanyang tulong at tangkilik ang marapat lamang na hanapin laban sa mga kalapastanganan na inyong ipinangungusap (tungkol kay Allah, na Siya ay may anak; tungkol kay Muhammad, na siya ay manggagaway; tungkol sa Qur’an, na ito ay isang tulain, atbp)

Choose other languages: