Surah Al-Anaam Ayahs #95 Translated in Filipino
وَمَا قَدَرُوا اللَّهَ حَقَّ قَدْرِهِ إِذْ قَالُوا مَا أَنْزَلَ اللَّهُ عَلَىٰ بَشَرٍ مِنْ شَيْءٍ ۗ قُلْ مَنْ أَنْزَلَ الْكِتَابَ الَّذِي جَاءَ بِهِ مُوسَىٰ نُورًا وَهُدًى لِلنَّاسِ ۖ تَجْعَلُونَهُ قَرَاطِيسَ تُبْدُونَهَا وَتُخْفُونَ كَثِيرًا ۖ وَعُلِّمْتُمْ مَا لَمْ تَعْلَمُوا أَنْتُمْ وَلَا آبَاؤُكُمْ ۖ قُلِ اللَّهُ ۖ ثُمَّ ذَرْهُمْ فِي خَوْضِهِمْ يَلْعَبُونَ
Sila(na mga Hudyo, paganong Quraish, mga mapagsamba sa diyus- diyosan) ay hindi nagpalagay (nagturing) kay Allah ng isang pagpapalagay (pagtuturing) na nararapat sa Kanya nang sila ay mangusap: “Si Allah ay hindi nagpapanaog ng anuman sa isang tao (sa pamamagitan ng inspirasyon).” Ipagbadya (o Muhammad): “Sino kung gayon ang nagpapanaog ng Aklat na dinala ni Moises, isang ilaw at patnubay sa sangkatauhan, na inyong (mga Hudyo) ginawa sa (magkakahiwalay) na mga pahina ng papel, na naglalantad (sa ilan nito) at naglilingid (sa karamihan nito). At kayo (na walang pananampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita na si Muhammad) ay tinuruan (sa pamamagitan ng Qur’an), na kahit kayo, gayundin ang inyong mga ninuno ay hindi nakakaalam.” Ipahayag: “Si Allah (ang nagpapanaog nito).” At hayaan sila na maglaro sa kanilang walang saysay na pag-uusapan
وَهَٰذَا كِتَابٌ أَنْزَلْنَاهُ مُبَارَكٌ مُصَدِّقُ الَّذِي بَيْنَ يَدَيْهِ وَلِتُنْذِرَ أُمَّ الْقُرَىٰ وَمَنْ حَوْلَهَا ۚ وَالَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ يُؤْمِنُونَ بِهِ ۖ وَهُمْ عَلَىٰ صَلَاتِهِمْ يُحَافِظُونَ
At ito (ang Qur’an) ay isang maluwalhating Aklat na Aming ipinanaog, na nagpapatotoo (sa kapahayagan) na dumatal nang una pa rito, upang inyong mabigyang babala ang ina ng mga bayan (alalaong baga, ang Makkah), at lahat ng nakapalibot dito. Ang mga sumasampalataya sa Kabilang Buhay ay nananalig dito (sa Qur’an), at sila ay nananatili sa pangangalaga ng kanilang pagdarasal
وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنِ افْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَوْ قَالَ أُوحِيَ إِلَيَّ وَلَمْ يُوحَ إِلَيْهِ شَيْءٌ وَمَنْ قَالَ سَأُنْزِلُ مِثْلَ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ ۗ وَلَوْ تَرَىٰ إِذِ الظَّالِمُونَ فِي غَمَرَاتِ الْمَوْتِ وَالْمَلَائِكَةُ بَاسِطُو أَيْدِيهِمْ أَخْرِجُوا أَنْفُسَكُمُ ۖ الْيَوْمَ تُجْزَوْنَ عَذَابَ الْهُونِ بِمَا كُنْتُمْ تَقُولُونَ عَلَى اللَّهِ غَيْرَ الْحَقِّ وَكُنْتُمْ عَنْ آيَاتِهِ تَسْتَكْبِرُونَ
At sino pa kaya ang higit na walang katarungan maliban sa kanya na kumakatha ng mga kabulaanan laban kay Allah, o nagsasabi (ng): “Ako ay tumanggap ng inspirasyon”, datapuwa’t siya ay hindi pinagpahayagan ng anuman; at siya na nagsasabi: “Aking ipapahayag ang katulad ng ipinahayag ni Allah.” At kung inyo lamang mamamasdan kung ang Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, buktot, mapaggawa ng kamalian, atbp.) ay nasa kasakit-sakit na daing ng kamatayan, habang ang mga anghel ay humahatak sa kanilang mga kamay (na nagsasabi): “Ibigay na ninyo ang inyong kaluluwa; sa araw na ito, kayo ay babayaran ng kaparusahan ng pagkaaba dahilan sa inyong sinasambit hinggil kay Allah na taliwas sa katotohanan. At kayo ay nahirati sa pagtatakwil sa Kanyang Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp.) ng walang paggalang
وَلَقَدْ جِئْتُمُونَا فُرَادَىٰ كَمَا خَلَقْنَاكُمْ أَوَّلَ مَرَّةٍ وَتَرَكْتُمْ مَا خَوَّلْنَاكُمْ وَرَاءَ ظُهُورِكُمْ ۖ وَمَا نَرَىٰ مَعَكُمْ شُفَعَاءَكُمُ الَّذِينَ زَعَمْتُمْ أَنَّهُمْ فِيكُمْ شُرَكَاءُ ۚ لَقَدْ تَقَطَّعَ بَيْنَكُمْ وَضَلَّ عَنْكُمْ مَا كُنْتُمْ تَزْعُمُونَ
At katotohanan, kayong lahat ay nanggaling sa Amin na nag-iisa (na walang kayamanan, mga kasama o anupamang bagay), nang kayo ay Aming likhain sa pasimula. Iniwan ninyong lahat ang mga bagay na Aming ipinagkaloob sa inyo. Hindi Namin namalas sa inyo ang inyong mga tagapamagitan na inyong inaangkin na mga katambal ni Allah. Ngayon, ang lahat ng relasyon sa pagitan ninyo ay pinutol na, at ang lahat ng inyong ipinangangalandakan ay naglaho sa inyo
إِنَّ اللَّهَ فَالِقُ الْحَبِّ وَالنَّوَىٰ ۖ يُخْرِجُ الْحَيَّ مِنَ الْمَيِّتِ وَمُخْرِجُ الْمَيِّتِ مِنَ الْحَيِّ ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ ۖ فَأَنَّىٰ تُؤْفَكُونَ
Katotohanan! Si Allah ang nagpapapangyari na ang butil at buto ng bungangkahoy (tulad ng palmera [datiles]) ay mabiyak at mag-usbong. Pinapangyari Niya ang buhay na magmula sa patay, at Siya ang nagpapapangyari na magmula sa patay ang pagkabuhay. Siya si Allah, kung gayon, paano kayong napaligaw sa katotohanan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba
