Quran Apps in many lanuages:

Surah Ad-Dukhan Ayahs #12 Translated in Filipino

لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۖ رَبُّكُمْ وَرَبُّ آبَائِكُمُ الْأَوَّلِينَ
La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya). Siya ang naggagawad ng buhay at gayundin ng kamatayan, ang inyong Panginoon (na nagkakandili sa inyo), at ang Panginoon ng nauna ninyong mga lahi (ninuno)
بَلْ هُمْ فِي شَكٍّ يَلْعَبُونَ
Hindi! Sila ay naglalaro sa pag-aalinlangan
فَارْتَقِبْ يَوْمَ تَأْتِي السَّمَاءُ بِدُخَانٍ مُبِينٍ
Kung gayon, kayo ay maghintay sa Araw na ang alapaap ay maglalabas ng usok na (inyong) mamamasdan
يَغْشَى النَّاسَ ۖ هَٰذَا عَذَابٌ أَلِيمٌ
Na lalambong sa mga tao. Ito ay isang Kasakit-sakit na Kaparusahan
رَبَّنَا اكْشِفْ عَنَّا الْعَذَابَ إِنَّا مُؤْمِنُونَ
(At sila ay magsasabi): “o aming Panginoon! Pawiin Ninyo sa amin ang Kaparusahang ito, katiyakang kami ay tunay na sasampalataya!”

Choose other languages: