Quran Apps in many lanuages:

Surah Ad-Dukhan Ayahs #5 Translated in Filipino

حم
Ha, Mim (mga titik Ha, Ma)
وَالْكِتَابِ الْمُبِينِ
Sa pamamagitan ng lantad na Aklat (ang Qur’an), na nagbibigay kaliwanagan sa mga bagay
إِنَّا أَنْزَلْنَاهُ فِي لَيْلَةٍ مُبَارَكَةٍ ۚ إِنَّا كُنَّا مُنْذِرِينَ
Ipinanaog Namin ito (ang Qur’an) sa pinagpalang Gabi (alalaong baga, ang Gabi ng Qadr, [sa buwan ng ramadhan, ang pangsiyam na buwan ng kalendaryong Islamiko]). Katotohanang Kami ay lagi nang nagbababala (sa sangkatauhan, na ang Aming Kaparusahan ay sasapit sa kanila na hindi nananalig sa Aming Kaisahan at pagiging Panginoon at sa Kaisahan ng PagsambasaAmin)
فِيهَا يُفْرَقُ كُلُّ أَمْرٍ حَكِيمٍ
dito(sanatatanging Gabi) ayitinakda ang lahat ng mga (pag-uutos) sa mga pangyayari (alalaong baga, lahat ng mga bagay tungkol sa kamatayan, pagsilang, ikabubuhay, kapinsalaan, atbp. [sa susunod] na buong taon ayon sa itinalaga ni Allah
أَمْرًا مِنْ عِنْدِنَا ۚ إِنَّا كُنَّا مُرْسِلِينَ
“Amran” (alalaong baga, ang pag-uutos sa Qur’an o ang Katakdaan ng bawat bagay) sa pamamagitan ng Aming pag-uutos. Katotohanang Kami ay lagi nang nagsusugo (ng mga Tagapagbalita)

Choose other languages: