Quran Apps in many lanuages:

Surah Ad-Dukhan Ayahs #16 Translated in Filipino

رَبَّنَا اكْشِفْ عَنَّا الْعَذَابَ إِنَّا مُؤْمِنُونَ
(At sila ay magsasabi): “o aming Panginoon! Pawiin Ninyo sa amin ang Kaparusahang ito, katiyakang kami ay tunay na sasampalataya!”
أَنَّىٰ لَهُمُ الذِّكْرَىٰ وَقَدْ جَاءَهُمْ رَسُولٌ مُبِينٌ
Paano silang magkakaroon ng paala-ala (sa sandaling ang Kaparusahan ay sumapit sa kanila), gayong ang isang Tagapagpaala-ala ay dumatal na sa kanila na nagpapaliwanag sa mga bagay nang malinaw
ثُمَّ تَوَلَّوْا عَنْهُ وَقَالُوا مُعَلَّمٌ مَجْنُونٌ
Datapuwa’t sila ay tumalikod sa kanya (Muhammad) at nagsabi: “Isang tinuruan lamang (ng ibang tao), isang tao na may sira ang pag-iisip!”
إِنَّا كَاشِفُو الْعَذَابِ قَلِيلًا ۚ إِنَّكُمْ عَائِدُونَ
Katotohanang pansamantala Naming papawiin ang Kaparusahan sa ngayon. Katotohanang kayo ay magbabalik loob
يَوْمَ نَبْطِشُ الْبَطْشَةَ الْكُبْرَىٰ إِنَّا مُنْتَقِمُونَ
Sa Araw na kayo ay Aming susukulin ng matinding Sakmal. Katotohanang Aming igagawad ang kabayaran

Choose other languages: